June 23, 2011--- Malungkot ang panahon. Patuloy ang pagbuhos ng ulan ngunit ang klase hindi pa din nasususpinde. Until 7pm lng class ko pero nagklase pa din kame. Lingid sa aming kaalaman, bumabaha n pla sa ilang kalsadang nakapalibot sa campus namin. At yun nga bandang 6pm, kinansela ang klase. Nakakainis lang, kung kelan malaks na ang ulan, baha nasa mga kalsada,wla na halos madaanan,stranded pa xe puno ang mga sskyan, at konti lang bmbyahe, sbrang trapik pa, e saka lang papauwiin ang mga estudyante. Kelan kya mababago ang sistemang eto.
Paglabas ko ng campus, gsto ko na agad umwi pra matpos ko na ung mga dapat tapusin. dame ng student ang nkayapak. Sa bandang corner kala ko kung anu ng pinagkakaguluhan, un pala, sobrang kumita ang tindahan ng payong at tsinelas. Msyadong dinumog ang nsabing mga tindahan. Sale siguro. Araw ng Maynila kinabukasan e. (:D) wlang byahe dun sa sinasakyan kong jip.at ang lakas ng ulan. Pero naghintay pa din ako hangang tumila, at ayun, ok lng sana khit nababasa ako ng ulan, kaso habang nakatayo ako, biglang my naglabasang mga IPIS! Hndi ako makatakbo kxe wla akong payong lakas ng ulan. Naghhiyawan pa ung mga bbae,pero buti n lng my mga katabi akong mttapang, pinagttapakan ang mga mbbangis na insekto. Ges wat, nkapatay ako ng tatlong ipis,.hehehe, kwawang mga ipis wlang puntahan dahil bahang baha ang kanilang kanlungan..
Nagpasya akong kumaen muna sa mcdo hbang iniisip kong titila pa ang ulan. Malamig ang hangin,malamig pa ang aircon, pati ang inorder kong brewed coffee, nakalutang na ang buo-buong coffee mate.. nung makatapos akong kumaen,(almost 1 hour akong nktambay s mcdo) aun, umuulan p din. Sinilip ko ang labas nagbabaka-sakaling konti n lng ang mga ga-langgam n mga pasaherong istranded na nkkipagpatintero pa din s mga IPIS. Sa wakas, nabawasan ang mga tao, at pati mga ssakyan nabawasan din, NGUNIT tubig naman ang nadagdagan. Kakatuwang tgnan ang mga batang sabik sa mga beach resorts na nagda-dive sa kalaliman ng tubig sa morayta. Nsa mcdo pdn ako habang umaagos ang mga mini tsunami, mdmeng tumatawid sa ga-tuhod na tubig sa kalsada, my isang student sa di kalayuan ang nkita kong prang natapilok, pero kakaibang tapilok un xe lumubog cia hangang dibdib ang tubig, pag ahon nia, parang my humila pa ulet s knya at natumba n naman, umabot hngang mukha ang tubig. May MANHOLE pla na walang takip. Pasaway na baha, hndi makita ang daan. Pasaway din ang kumuha ng takip ng manhole.. hmp. Pati takip ng manhole pinag-interesan, Buti n lng tinulungan cia nung dlwang student din,kso hrap silang mklapit agad xe bka cla nmn ang mag 3points dun sa manhole..
Dahil sa tumataas ang tubig at wla p ding tigil ang ulan,nagdecide na akong mglakad. Wla dn nmng mskyan,.nakatirik n ang karamiha ng sskyan sa kahabaan ng espana. At ayun nga nagsimula na akong mag-adventure sa kahabaan ng ilog-espana..hindi ba naisip ng gobyerno na sayang lang ang ilang milyong ginastos nila pra lang pataasin ang kalsada ng espana at dapitan? Prang wla naming ngyari e. mas perwisyo pa xe apektado ung bahay-bahay sa gilid dahil s kanila ms malalim ang tubig. Bawat kanto simula p.campa, lagpas tuhod na ang tubig. so as usual, nkauniform ako,no choice kundi mglaba n nmn kinabukasan ng pantalon, mejas at sapatos na leder. Unang kanto pa lang, grabe dko kinaya ang powers ni Moses ng hatiin nia ang tubig sa dalawa.. :D Eto ang nkakatuwang part,.Sa aking paglalakbay from feu hngang sa craig st.cgro my 10 na kanto. (hula ko lng un diko sure kng 10 nga.. ni-round-off ko n lng.hehe) kada kanto ay may mini san juanico bridge. Eto ay ung mga bangko o upuan sa loob ng tahanan na naconvert at naging maliit natulay..ang may pakana,..? TADAAANN! MgaTambay… napakagentle nila na inaalalayan ang mga taong dumadaan s knilang tulay pra hndi cila lumusong s malalim na tubig kapalit ay pisong donasyon at NOTE, hindi un pilitan,. Sa katunayan, ilang kanto lng ung my mga tambay na my hawak na baso ng buko juice n my lamang ilang barya. Karamihan, wlang bayad. BOLUNTARYONG MAMAMAYAN NA CONCERN SA MAYAYAMAN. Bihira ung vice versa nun ultimo ung nakaupo sa puting kaharian sa may mendiola at sa kampo sa batasan. Katunayan, my mga nkabantay sa manhole at sinsabi nilang “kua gilid lang po kayo,may manhole po dito, pesteng mga magnanakaw un e, pati manhole pinag-interesan”, “pila lang po tau ng maaus pra po mkadaan tayo lahat.” or“dito po keu dumaan malalim po jan” paulit-ulit na cnsabi un kada dumada ang tao. Inaalalalyan nila ang mga taong tumtawid s gnawa nilang kalsada samantalang sila itong nakalubog sa tubig. Malaking tulong un xe lahat tlga ng kanto kelangan mong suungin pra lang mkatawid ka. Nakakalungkot lang sa mga taong tumatawid, hndi n nga ngbigay ng donasyon, hndi man lang makuhang magpasalamat. Wala ata cilang GMRC nung elementary e.(o hndi nga cgro nag-elementary.drecho college na.. :D) Nakakaawang tignan pero mkhang nag-eenjoy nmn cila s gngwa nila.
May mgasskyan pa ding dumadaan. Pero ms madami ang nakatirik sa daan. Mdame ng nasiraan.Ngunit nagagawan to ng paraan pra mging maayos ang trapiko at pra makadaan ung mga sumusunod na sskyan. At ang mga may pakana na naman…? TADAAANNN! Ang mga TAMBAY na naman.Tulong-tulong cila pra itulak patabi ang mga nakatirik na jip, fx, kotse, at BUS (xmpre jowk lng ung bus..hehe) pra lang makadaan ung mga sskyan sa likod. Ang tanong ko n lang, Paano na kung walang mga tambay? asan na ang mga kawani ng gobyerno? Silang binabayaran ng malaki pra DAW sa “in the service of the Filipino people”. At bkt sila pa etong laging na-aacknowledge at nrrcognize smantalang ang mga bayani tlgang kng ttgnan e ung mga wla sa upuan. D naman nila kayang lumusong sa baha at putik n my naglutang na pampers nasariwa ah..
Habang nglalakad ako, nag-eenjoy akong tgnan na npkadaming taong hindi komportable mglakad s tubig pero npkadami ding nag-aalalay kahit ung mga katabi nilang naglalakad din kahthndi kakilala. May nkita din akong mga estudyante specifically FEU student (taga-doon ako.. :D) na habang wla pa silang masakyan e nkalubog din sa tubig at BOLUNTARYO ding nag-gguide s mga dumadaan at nagssabing “hawak lang po kayo baka matumba, hndi pantay ang semento” at “kua bandang gitna lang po kau dumaan may manhole dito” habang nakatayo sa tapat ng di namin makitang manhole na nakalubog sa tubig.
At sa wakas, aftr an hour, the rain stops and nkadating din ako sa apartment naming bahangbaha din.(butinalng 3rd floor kame.. hekhek). Thank God for the safety at xmpre s experience.. Prang ayaw ko png umwi, prang gstoko pang maglakad xe andmeng nglalakad at nkakatuwa cilang tgnan. Isa lang ang napatunayan ko.kaya pala mahal na mahal ni God ang Pilipinas kasi kakaiba talaga ang mga pinoy. Sa panahon man ng kalamidad, kagipitan anjan pa din, tulungan, kahit anung uri kapa, tao man o hindi, pre-prehong nsa pangit na sitwasyon, bigayan pa din at tulungan. Truly God has a purpose in everything n ngyyri s buhay ng tao like in this one, may mga matututunan ka at makikitang mgndang rebelasyon tungkol sa kapwa mo.This is Dan, proudly pinoy and proudly Son of the Living God.Signing off.
No comments:
Post a Comment