Friday, November 23, 2012

Well, may ibig-sabihin pala yun...


“Dan, sana sa bawat sulyap mo sa mga pictures and videos na iyan, sana naaalala ka din nila”

Around 11:00 PM, Nov.20,2012, yan yung naisip ko na ipost sa wall ko sa FB sa next na online ko.. That was the time na tinitingnan ko lhat ng mga lumang pictures at videos ng mga kaibigan ko, churchmates, tropaz, klazmeyts, family, EX’s, at samu’t saring kalokohan.. J Di ko lng din alam kng bakit sa tinagal-tagal ng nakasave dun ung mga un e dat time ko lang cia naisipang tingnan lahat at panoodin. Well, may ibig-sabihin na pala un.

Nov. 21, papakainin ko sna cna mama at papa sa Shangri-La kaso namahalan c mama, sa iba n lng daw, so I treat them na lang sa Cabalen together with ate Alona and kua Luz.
Matagal nang may problema ung laptop ko, tsambahan na lang na ma-open ko siya, kung kaya’t balak ko nang iuwi un para maayos sa bahay nmin sa nasugbu. So 1 thing kaya nagpahatid ako sa apartment kina papa dahil ipapadala ko ung laptop ko pra ipaayos ke kua denz. (Mejo nagtampo at kc dko na siya msydo nagagamit,.)E dko alam kng bakit nakalimutan kong ipadala dat time pero nung nakita ko ung mga tsinelas galling sa shang, aun ung napadala ko pauwi. Well, may ibig sabihin na pala yun..

Nov. 19, 2012, nagtext sakin si Irish about sa nakita niyang bahay malapit sa Makati. Nghahanap xe cia ng kasama pra makamura sa renta.. sabi ko interesado ako at mtagal n din akong gstong lumipat, wla lang chance mkpghanap. Well, may ibig sabihin na pala un..

Nov. 22,2012, eto na.. png umaga ako so around 6am pa lng umaalis na ako sa apartment pra bumyahe ng almost 2hrs papuntang hotel. Masaya ang nagging araw ko xe training lng ako the whole day.. pero nung pag-uwi ko, naisip ko muna magcompshop dun sa malapit sa amin bago ako tuluyang umuwi sa apartment. Actually I usually do it para lang magpa antok.. Pag-uwi ko sa bahay, sabi ko, bukas na naman ung dalawang lock ng pinto ko. Ung padlock ko nakasabit pa din pero ang nakakagulat, tanggal na ung pinakang puno ng padlock, bakbak ang gilid ng pinto at halatang pinilit buksan. at pagtulak ko, bukas ang pinto. Pag buhay ko ng ilaw, magulo ang loob. Kinalkal lahat ng mga bag at lahat ng cabinet ay bukas. Pati ung cabinet ng pinsan ko na nakapadlock nabuksan din. Ang masaklap, ung bag na pinaglalagyan ko ng laptop ay wala na din.  Laman ng bag ung ilang mga papel at pictures na since college ay hindi ko pa din inaalis dun. Papasko pa ni mama ung bag na un.  Pati ung laptop na matagal kong nakasama sa hirap at ginhawa, andun din.. :”O

Tinext ko ang ilang mga kaibigan ko at sina mama about sa nangyri, salamat sa mga nagresponse although my ilang hindi. Nakakalungkot lang xe ikw lang mag-isa dun at pagdating ko dun dko alam ang ggwin ko,dko alam kng cnong kakausapin ko,na humantong na lang sa pagtahimik ko. Almost 30 mins cgro ako nakatigil lang at nkaupo. Pinagmamasdan at inaabsorb ung mga nangyari sa paligid. At saka ako kumilos at nagtanong2 sa kapitbahay bago sa may ari. Wala n xe akong tiwala sa may ari kahit noon pa. Sila ang pinaghihinalaan ko sa mga nangyari sa bahay. But at d end of that night, I just sit and pray.

Gamit na gamit ko ung laptop na un. Toshiba Satellite M500 Limited Edition, bigay p sakin ng kapatid ko dahil nanakaw din ung unang laptop ko na bigay nman ng tatay ko, Acer Aspire One. Pero I would say, PROUD na PROUD ako dun sa laptop kong Toshiba xe andame kong natutuhan sa kanya. Dun ako nag-improve, namotivate na mag aral, naginspire skin na magsipag pa lalo,nagsabi sakin na Learning is continuous, nagpaalala sakin na my mga kaibigan ako, nagging pang aliw ko habang nabbore ako, pampatulog ko, nagsilbing taguan ng sikreto ko, nagging instrument ko sa pagunlad ko, nagging partner ko para makapasa ako sa npkahhirap n subjects ko,nagging laruan ko, nagging negosyo ko at kumita tlg ako, charger ko,naging way ko sa pagpasa sa dlawang board exam ko, nkapagrecording kme, nagkaroon pa ng maraming frends, taguan ng alaala ng mga naging katipan, etc. in short, BESTFRIEND ko.. tinuruan niya akong magtiwala sa kanya at hindi naman nia ako pinalya. Sa kahit anumang presentations, projects, reports, thesis,sideline, records,. sobrang pinakisamahan nia ako. Kahit anung applications ang i-install ko, gnito ang sinasabi nia sa akin, “basta sa ikauunlad mo, lahat ng gusto mong matutunan, i-install mo at kakayanin ko”.

Bukod sa wala akong mkitang ibang kparehong unit at model nun ditto sa pinas, wala din cgro akong makikitang ibang laptop na nakisama ng gnon sa akin. Sobrang pinahirapan ko n nga at wala ng pahinga,kht dko man lang napunasan sa mahabang panahon pero cge pa din at nakikisama p din sa akin.

Kaya para sa yo na kumuha ng laptop ko, kng di lng din maaalagaan ng pagbebentahan mo, pkibalik na lang pls. kung gusto mo ng kayamanan, matuto kong maghirap pra makamit un.

Super thank GOD p din s mga nangyari. I learn many things.